Recent Posts

Breaking News

Sunog umabot sa Task Force Alpha sa Las ‘Pinas

Sumiklab ang malawak na sunog sa isang residential area sa Barangay Zapote, Las Piñas City nitong Sabado ng umaga.

Nangyari ang sunog sa loob ng isang compound, kung saan nadamay ang isang pamilihan at sabungan.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, tinaas ang Task Force Alpha sa naturang sunog bandang alas-11:34 ng umaga.

Hindi pa batid ng mga awtoridad kung anong sanhi ng sunog at halaga ng mga napinsala.

The post Sunog umabot sa Task Force Alpha sa Las 'Pinas first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sunog-umabot-sa-task-force-alpha-sa-las-pinas/)

Walang komento