Recent Posts

Breaking News

Sumailalim sa COVID test sa ‘Pinas 2M na

Naabot ng bansa ang target nito sa Agosto: lampas dalawang milyong indibidwal na mate-test para sa COVID-19.

Nakasaad sa online tracker ng Department of Health na 2,051,983 katao na ang na-test ng 109 laboratoryo sa bansa as of August 19.

Matatandaang sinabi ni virus testing czar Vince Dizon na papalo sa 2 milyon ang bilang ng mga Pinoy na mate-test para sa coronavirus sa Agosto.

“Halos 1.4 milyon na po ang na-test natin, at kampante po tayo na hihigit sa dalawang milyon ang mate-test sa buwan ng Agosto,” ani Dizon noong Hulyo.

Sa ngayon, nakapagtala na ng 178,022 kaso ng COVID-19 ang Pilipinas. Tayo ang may pinakamaraming kaso sa buong Southeast Asia.

The post Sumailalim sa COVID test sa 'Pinas 2M na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sumailalim-sa-covid-test-sa-pinas-2m-na/)

Walang komento