Recent Posts

Breaking News

Suicide tumataas: Mga Pinoy gabayan ng Simbahan – Guevarra

Nakiusap si Justice Secretary Guevarra sa Simbahan at mga spiritual leader na bigyan ng counseling ang kanilang mga miyembro na dumaranas ng depresyon sa panahon ng pandemya.

Ayon kay Guevarra, nakatanggap siya ng tawag mula kay National Task Force on COVID-19 efforts chief implementer Carlito Galvez na dumarami ang bilang ng nagsu-suicide dahil sa hirap na nararanasan sa health crisis.

“He (Galvez) is seeking the help of our churches and spiritual leaders in providing counsel and guidance to their members and followers who are undergoing depression due to loss of employment or livelihood, anxiety of being afflicted with or dying from the dreaded disease, loneliness arising from isolation, and lack of hope for a return to their normal lives,” ayon kay Guevarra.

“I share Sec. Galvez’s concern and respectfully request our spiritual leaders to bring this much needed message of hope to our suffering countrymen in order to stave of more incidents of self-destruction,” saad pa.

Ilan sa mga napaulat na mga kinikitil ang sariling buhay ay mga nagko-COVID-19 positive o iyong mga nakakaramdam ng sintomas ngunit walang pera para makapagpagamot.

The post Suicide tumataas: Mga Pinoy gabayan ng Simbahan - Guevarra first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/suicide-tumataas-mga-pinoy-gabayan-ng-simbahan-guevarra/)

Walang komento