Recent Posts

Breaking News

Staff ni Duterte nag-mass resign

Pitong staff member ni House Deputy Speaker at Davao City Rep. Paolo Duterte ang umalis na sa trabaho, kabilang ang chief of staff nitong si Atty. Sherwin Castañeda.

Epektibo ang kanilang resignation, Agosto 10.

Sa isang pahayag, sinabi ni Duterte na si ACT-CIS party-list Rep. Eric Yap ang nagsabi kay Castañeda at sa iba pa na mag-resign.

Nirekomenda dati ni Yap si Castañeda kay Duterte.

“For the details on why they resigned I think it would be best if Atty. Castañeda should answer that question because for me tapos na ang lahat and we parted ways na maayos,” sabi ng deputy speaker.

Unang sinabi ni Yap na pinagbitiw niya sa puwesto ang 7 kawani ni Duterte dahil sa umano’y “mismanagement.”

Samantala, plano ng presidential son na patulungin ang staff niya sa Davao sa kanyang tanggapan sa Kamara.

The post Staff ni Duterte nag-mass resign first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/staff-ni-duterte-nag-mass-resign/)

Walang komento