Recent Posts

Breaking News

Sinuba ng PhilHealth: PH Red Cross titigil sa COVID testing

Namemeligrong tumigil sa pagsasagawa ng coronavirus testing ang Philippine Red Cross (PRC) matapos idaing na hindi na sila nabababayaran ng PhilHealth para rito.

Sa panayam kay PRC chairman at Senador Richard Gordon sa DWIZ nitong Sabado, sinabi niyang hirap na hirap na ang mga tauhan ng kanilang organisasyon dahil pataas nang pataas ang tinatamaan ng COVID-19 sa bansa.

Ang gobyerno raw mismo ang lumapit sa kanila para tumulong sa pagte-test dahil hirap na ang Research Institute for Tropical Medicine sa pagsasagawa nito.

“Lahat halos OFW kami nagte-test, gastos ng gobyerno ‘yan, ang kontrata namin dahil alam ko mahirap singilin ang PhilHealth sabi ko mag-advance kayo ng P100M ‘yan naman ay susuklian namin agad ng test results,” ani Gordon.

Matapos daw ang advance payment na P100 milyon ay hindi na nagbayad pa ang PhilHealth sa Red Cross kaya umabot na sa P700 milyon ang hindi nabayaran sa kanila.

Sakali raw hindi pa magbayad ang PhilHealth ay ititigil muna ng PRC ang kanilang COVID-19 testing.

“Sabi ko pag ‘di kayo nagbayad titigil ko muna ang test. Di naman negosyo sa amin ‘yan pero ‘di kami pwede malugi,” aniya.

“Di ko maintindihan sabi babayaran nila ‘di naman nagbabayad. Ang reco [recommendation] namin tigilan muna dahil baka masunog ang buong Red Cross,” dagdag niya.

“Sabi ko Monday pag ‘di kayo nagbayad ng Monday titigil ko muna.”



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sinuba-ng-philhealth-ph-red-cross-titigil-sa-covid-testing/)

Walang komento