Recent Posts

Breaking News

Simmons ooperahan uli

Balik sa operating room si Ben Simmons, sasailalim sa surgery ang Philadelphia star para ayusin ang kaliwang tuhod.

Lalabas ng NBA bubble sa Orlando si Simmons, sigurado nang hindi makakapaglaro sa kampanya ng 76ers sa postseason, maliban kung papalaot hanggang Finals ang team.

“While the Sixers haven’t ruled Simmons out for the season, sources say it would take a deep run into the playoffs to keep the door open on the possibility of a return – and that’s still an iffy proposition,” ulat ni Adrian Wojnarowski ng ESPN.

Nasa No. 6 sa Eastern Conference ang Sixers (42-27), bagama’t isang laro lang sa likod ng No. 4 Miami at Indiana na parehong 43-27.

Umalog ang tuhod ni 24-year-old Simmons sa laro kontra Washington noong Miyerkoles, iika-ikang pumasok ng locker room at hindi na bumalik.

Nag-a-average siya ng 16.4 points, 7.8 rebounds at 8 assists per game ngayong season.

Inumpisahan ni Simmons ang NBA career na nasa sidelines sa unang season habang nagpapagaling mula foot surgery.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/simmons-ooperahan-uli/)

Walang komento