Recent Posts

Breaking News

Senate report: PhilHealth official niregaluhan ng ‘lap dance’

Tila palabas sa nightclub ang eksena sa isang regional office ng Philippine Health Insurance Corp.

Paglalarawan ito ng Senate blue ribbon committee sa kanilang report na naglalaman ng resulta ng kanilang 2019 investigation sa umano’y fraud at korapsiyon sa ahensiya.

Nitong Agosto 25, binahagi Senador Richard Gordon sa mga reporter ang Senate panel report at ang video kung saan makikitang nakaupo sa isang upuan si PhilHealth Regional Vice President for Region 4-B Paolo Johann Perez.

Pinapalibutan si Perez ng kanyang mga katrabaho at sinasayawan ng halos-hubo’t hubad na babae–na “regalo” ng staff para sa kaarawan ng opisyal.

Sabi sa report, nakangiti lang sa buong pagtatanghal si Perez at hindi pinagalitan ang mga tauhan na nagbitbit nung babae.

“On his birthday, Perez received a gift, an enormous box, in his office. A girl, dressed in nothing but her underwear, danced and gyrated provocatively in front of Perez,” ang mababasa sa committee report .

“Perez enjoyed the performance and was seen smiling in the video. He did not prevent the incident, or report and issue any reprimand to the employees who brought the girl,” dagdag nito.

Kabilang si Perez sa mga binansagan ni Gordon na kabilang sa “real mafia” sa PhilHealth.

Samantala, pinabulaanan naman ni Perez ang mga paratang ng senador.

Sa kanyang pagdalo sa pagdinig via videoconferencing, sinabi ng PhilHealth official na “Wala akong alam tungkol dun kasi birthday ko. Nasurpresa ako.”

Kwento niya pa, staff niya ang naghanda ng programa at ang tinutukoy na performer ni Gordon ay pinakanta lang daw.

“Kumuha sila ng talent para kumanta. At hindi totoo na hubad ang talent. Dahil maingay ang paligid, hindi siya nakakanta,” ani Perez.

Tinigil din daw niya ang programa at sinabihan ang kanyang mga tauhan na kumain na lang.

The post Senate report: PhilHealth official niregaluhan ng 'lap dance' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senate-report-philhealth-official-niregaluhan-ng-lap-dance/)

Walang komento