Recent Posts

Breaking News

Senado na bahala! Palasyo tikom sa biglang sakit ng 2 PhilHealth boss

Ipapaubaya ng Malacañang sa Senado ang pagkokomento sa pagkakasakit ng dalawang top official ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kasabay ng imbestigasyon sa umano’y korapsyon sa ahensya.

“We leave it to the Senate, a separate co-equal branch, to comment on reports that officials of the Philippine Health Insurance Corporation may skip their hearing, scheduled on August 11, for medical or health reasons,” saad ni Presidential Spokesperson Harry Roque.

Nitong Sabado ay nagpasa ng medical certificate si PhilHealth President and CEO Ricardo Morales ng medical certificate sa Senado, kung saan inudyukan siyang mag-leave of absence habang nagpapagaling sa kanyang lymphoma.

Isa pang nagkasakit ay si PhilHealth executive vice president Arnel De Jesus na pinabatid kay Senate President Vicente Sotto III na hindi siya makakadalo sa Senate hearing sa Martes dahil sa medical emergency.

Gayunpaman, giniit ni Roque na tuloy-tuloy pa rin ang pagtutok sa nasabing alegasyon, kung saan inutusan ang inter-agency task force na imbestigahan din ang korapsyon sa nasabing ahensya.

“There is no turning back as we expect the Task Force to submit its findings and recommendations to the Office of the President within 30 days after its constitution as directed by the Chief Executive,” pakli ng tagapagsalita ng Pangulo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/senado-na-bahala-palasyo-tikom-sa-biglang-sakit-ng-2-philhealth-boss/)

Walang komento