Recent Posts

Breaking News

Sapul ng virus sa Kamara, akyat ng 3

Tumalon sa 13 ang kabuuang bilang ng mga kawani ng House of Representatives na nagpositibo sa coronavirus disease 2019.

May tatlong bagong kaso na naitala nitong Sabado, ayon kay House Secretary General Jose Luis Montales.

Aniya, ang unang pasyente ay kawani sa Transportation Service na huling pumasok sa trabaho noong Agosto 24 at 25.

Ang pangalawa, sabi ng kalihim, ay isang congressional staffer na huling pumasok sa trabaho noong Agosto 12 at 13. Kinabukasan, nag-alaga ito sa maysakit niyang nanay na COVID-positive pala.

Ang pangatlong kaso naman ay isang tauhan ng Reference and Research Bureau na huling pumasok sa trabaho noong Hulyo 29. Na-expose ito sa kapatid na close contact ng isa pang COVID-positive, sabi ni Montales.

The post Sapul ng virus sa Kamara, akyat ng 3 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sapul-ng-virus-sa-kamara-akyat-ng-3/)

Walang komento