Recent Posts

Breaking News

Sana anak ko tumapos ng gulo sa Mindanao – Duterte

Aminado si Pangulong Rodrigo Duterte na mahirap ayusin ang problema para sa kapayapaan sa Mindanao subalit inihayag nito na umaasa rin siyang balang araw ay isa sa kanyang mga anak ang makatulong para resolbahin ito.

Sinabi ng Pangulo na may dalawang taon pa ang kanyang termino subalit hindi niya alam kung ano pa ang magagawa para sa Mindanao.

“Mahirap ito aregluhin kasi lahat may sugat na sa puso. And it would take more than a generation to do this,” ayon sa Pangulo.

Binanggit nito na sana may isa man lang umano sa kanyang mga anak na makagawa ng paraan para maayos ang problema sa Mindanao.

“I hope that anyone of my children would become a politician maski barangay captain lang that he’d be able also to do something about this problem of the Moro and the Christians,” sabi ni Pangulong Duterte.

The post Sana anak ko tumapos ng gulo sa Mindanao - Duterte first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/sana-anak-ko-tumapos-ng-gulo-sa-mindanao-duterte/)

Walang komento