Recent Posts

Breaking News

Ross humihingi ng pinya kay Kalei

Agad nagpadama ng pangungulila si Philippine Basketball Association (PBA) star Chris Ross ng presensiya sa nililigawang si Philippine SuperLiga (PSL) star Tyler-Marie Kalei Mau na kasalukuyang nagbabakasyon sa Kahaluu, Hawaii.

Ito ay matapos magpost ang Fil-Am spiker sa kanyang Instagram na seksing nagsasanay sa long skateboard sa gitna ng isang basketball court.

“@thvnkful for this life I live,” sabi ng balibolista, habang nakalantad ang makikinis na hita.

“Goin to get some pineapple!,” tugon naman ni Ross@chrismross6.

Hindi pa makabalik ng bansa ang Fil-Am volleybelle dahil baka sa Oktubre pa muling magbukas ang PSL na apektado rin ng COVID-19 buhat noong Marso.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ross-humihingi-ng-pinya-kay-kalei/)

Walang komento