Recent Posts

Breaking News

Roque sa pag-leave ng ilang PhilHealth executive: Hallelujah!

Ikinatuwa ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging desisyon ng ilang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na pansamantalang magbakasyon habang iniimbestigahan ang umano’y mga iregularidad sa ahensiya.

Nasambit ni Roque ang katagang “Halleujah” matapos mabatid na magpa-file ng leave of absence ang mga miyembro ng Executive Committee ng PhilHealth.

Nagalak din siya sa pagpirma ng bank secrecy waivers ng matataas na opisyal ng PhilHealth, kabilang ang presidente ng ahensiya na si Ricardo Morales.

Ayon sa kalihim, ang aksiyong ito ng PhilHealth officials ay makabubuti sa kanila at makabubuti rin para sa bansa.

“Hallelujah, it’s all I have to say. That’s good for them, good for the country,” ani Roque.

Isa si Roque sa mga mainit sa PhilHealth dahil sa umano’y sabwatan ng ilang opisyal sa usapin ng pondo ng ahensiya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-sa-pag-leave-ng-ilang-philhealth-executive-hallelujah/)

Walang komento