Recent Posts

Breaking News

Roque pumalag kay Hontiveros

Inalmahan ng Malacañang at National Task Force on COVID-19 ang pahayag ni Senadora Risa Hontiveros na nakikialam ang mga gabinete at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging sa mga lokal na opisyal sa Metro Manila.

Ito ay matapos itoka ng Malacañang ang mga opisyal ng gabinete sa iba’t ibang lungsod at bayan sa National Capital Region at sa mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal para tumulong at sumuporta sa mga ginagawang aksiyon laban sa COVID-19.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na mali umano ang interpretasyon ni Hontiveros dahil walang panghihimasok na ginawa ang national officials.

“Mali iyong interpretasyon ni Senator Hontiveros. It is not our intention to intervene with the works of the local government units; bigay lang po kami ng suporta,” ani Roque.

Sinabi ng kalihim na inaalam lang nila kung papaano makatulong ang national government para mapaigting ang paglaban sa COVID-19 gaya ng ginawa sa Cebu City at sa iba pang lugar kung saan mataas ang kontaminasyon.

Nagsumite si Hontiveros ng resolusyon sa Senado para imbestigahan ang assignment ng mga miyembro ng IATF sa local government units dahil sa paniwalang “toxic micromanagement” at pakikialam umano sa mga lokal na opisyal.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-pumalag-kay-hontiveros/)

Walang komento