Recent Posts

Breaking News

Roque kina Guevarra: Mga PhilHealth official na damay sa scandal, suspend agad

Para hindi maitago at masira ang mga ebidensiya, nanawagan si Presidential Spokesman Harry Roque sa Task Force ng Department of Justice (DOJ) na nag-iimbestiga sa anomalya sa Philippine Health Insurance Corporation na agad suspendihin ang mga sangkot na opisyal.

Sinabi ni Roque sa kanyang kapasidad bilang abugado at hindi bilang Spokesman ng MalacaƱang, dapat ay bukas na bukas din ay sana maihain ang susensiyon dahil sa pangambang baka mawala pa ang mga dokumentong maaaring maging ebidensiya sa mga sangkot sa katiwalian.

Dapat aniyang huwag papasukin sa gusali kung saan nag-oopisina ang Philhealth ang mga iniimbestigahang opisyal para mai-preserva ang mga dokumentong maaaring magdiin sa kanila.

“Nakikiusap po ako sa Task Force ni [Justice] Secretary Menardo [Guevarra], naku po. Sa tagal na ng mga kawatan na nandiyan, at sa dami ng mga ebidensiya na dapat pangalagaan, kinakailangan bukas i-preventive suspension n’yo po sila,” ani Roque.

Usong-uso aniya ang pagtatago ng records ng Philhealth lalo na sa tanggapan ng legal department at mismong ang Commission on Audit (COA) at National Bureau of Investigation (NBI) ay nahihirapang makakuha ng mga dokumento sa tanggapan ni Atty. Jojo del Rosario na siyang head ng Philhealth legal Department.

“Ang temptasyon kapag ikaw ay nadidiin na, ay talagang sirain at itago ang mga ebidensiya. Usong-uso ang taguan ng records para huwag masampahan ng kaso,” dagdag ni Roque.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roque-kina-guevarra-mga-philhealth-official-na-damay-sa-scandal-suspend-agad/)

Walang komento