Recent Posts

Breaking News

Roach: Pacquiao lalaban nang 2 beses bago maging pangulo

Sa tingin ni Hall of Fame trainer Freddie Roach, sasabak sa aksiyon si Manny Pacquiao nang isa o dalawang beses “bago maging pangulo ng kanyang bansa.”

Pero ang laban na binabanggit niya ay hindi raw mangyayari ngayong taon, dulot ng “palala nang palala” na COVID-19 pandemic.

“He won’t fight this year but if this ever goes away and I’m not sure it will because it’s getting worse and worse, not better and better—but I think Manny will fight once or twice more before he becomes the president of his country. And then he will retire,” wika ni Roach sa boxingscene.com.

“He will fight again, I feel, and from when I’ve talked to him, he wants to fight once or twice more,” aniya pa.

Huling lumaban ang Pambansang Kamao, 41, laban kay Keith Thurman noong Hulyo 2019. Nagwagi siya via split decision at nasungkit ang WBA world welterweight title.

The post Roach: Pacquiao lalaban nang 2 beses bago maging pangulo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/roach-pacquiao-lalaban-nang-2-beses-bago-maging-pangulo/)

Walang komento