Recent Posts

Breaking News

Ricci Rivero nag-recruit kay CJ Cansino sa UP

Madaming ‘nanligaw’ kay CJ Cansino matapos nitong maalis sa UST, ngunit si Ricci Rivero ang nanaig laban sa ibang matitikas.

Sa Youtube video ni Carmela Tunay na ‘Anong Tunay?!’ nilahad ni Cansino na si Ricci ang isa sa naging dahilan kung bakit napili niyang lumipat sa UP Fighting Maroons.

Saad ng 20-year old guard, matagal na niyang kaibigan si Rivero, at isa ito sa unang kumausap sa kanya matapos lumabas ang balita na binitawan na siya ng Growling Tigers.

Isa sa mga nagpakumbinsi kay Cansino ay ang halos pareho nilang sitwasyon ni Rivero, na tinanggal din sa La Salle matapos ang dalawang taon.

“Yung time na tinanggal ako, nakausap ko siya kasi same situation kami. Alam niya ang feeling,” lahad ni Cansino.

“Nung ni-recruit niya ako, sabi niya, ‘J, pwede ka dito.’ So sabi ko, tingnan natin kung ok yan. Siya yung masasabi nating nag-recruit sa akin papunta ng UP. Kapag same situation kayo, may connection talaga,” kwento pa ng dating UST captain.

Hindi magiging magkakampi sina Ricci at CJ sa UP dahil last playing year na ni Rivero sa UAAP Season 83 at kailangan pang gugulin ni Cansino ang kanyang one-year residency sa state university.

Ngunit magkikita pa rin ang dalawa sa mga ensayo kasama ang iba pang bagong recruit ng UP tulad nina Carl Tamayo, Gerry Abadiano at Malick Diouf.

The post Ricci Rivero nag-recruit kay CJ Cansino sa UP first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ricci-rivero-nag-recruit-kay-cj-cansino-sa-up/)

Walang komento