Recent Posts

Breaking News

RevGov ‘di suportado ni Lorenzana

Sabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, hindi niya pinapaboran ang panawagang magdeklara si Pangulong Rodrigo Duterte ng revolutionary government o RevGov.

Matatandaang sinabi ni PNP chief Archie Gamboa na nakatanggap siya ng imbitasyon sa pulong ng mga pro-Duterte group upang talakayin ang RevGov.

Nakatanggap din umano ng imbitasyon si Lorenzana.

“We got it thru Viber but not send (sic) to us by the alleged authors,” wika ni Lorenzana sa mga reporter.

“We do not support them,” aniya pa.

Nagtipon ang nasa 300 katao, kabilang ang mga kasapi ng Mayor Rodrigo Roa Duterte – National Executive Coordinating Committee (MRRD-NECC), sa Clark Freeport and Special Economic Zone, Pampanga para sa manifesto signing na nananawagan ng RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino si Duterte.

Magugunitang nagbabala noon ang Pangulo na magdedeklara ng “revolutionary government” at aarestuhin ang kanyang mga kritiko dahil sa patuloy aniyang pagbanat sa kanya sa kabila na marami na siyang pinoproblema sa bansa gaya ng droga at krimen.

Kadalasang nagdedeklara ng RevGov ay mga insurgent group para mapatalsik ang kasalukuyang gobyerno.

The post RevGov 'di suportado ni Lorenzana first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/revgov-di-suportado-ni-lorenzana/)

Walang komento