Recent Posts

Breaking News

Resto mas maraming pwedeng pumasok kaysa simbahan? Parang ‘di logical – obispo

Muling kinuwestiyon ng isang obispong Pinoy ang patakaran ng gobyerno na hanggang 10 katao lang ang pwedeng magsimba sa mga lugar na nakasailalim sa general community quarantine (GCQ).

Sabi ni Bishop Broderick Pabillo, ang Apostolic Administrator ng Archdiocese of Manila, mali ang desisyon na mas marami ang pwedeng papasukin sa mga kainan kaysa sa simbahan.

“Sana lang ang hinihiling namin kung bibigyan nila ang mga business enterprises ng mas maraming kapasidad, dapat ang simbahan ganun din,” wika ni Pabillo sa ABS-CBN’s Teleradyo, Huwebes.

“Parang ‘di naman tama na bibigyan mo ng 30 percent ang mga restaurant, tapos sa simbahan 10 tao lang. Mas malaki naman ‘yung simbahan kesa sa restaurant. Parang ‘di logical,” aniya pa.

Mula modified lockdown ay nakasailalim na sa GCQ ang Metro Manila, Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite simula Agosto 19 hanggang 31.

Noong Hulyo, pwede ang religious gathering na hanggang 10 percent capacity ng venue sa mga GCQ area.

Pero ngayong Agosto, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na limitado sa 10 katao ang mga mass gathering sa mga GCQ area.

Samantala, ang capacity na pwede sa dine-in ng mga food establishment ay depende sa lokal na gobyerno kung saan sila nakapuwesto.

The post Resto mas maraming pwedeng pumasok kaysa simbahan? Parang 'di logical - obispo first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/resto-mas-maraming-pwedeng-pumasok-kaysa-simbahan-parang-di-logical-obispo/)

Walang komento