Recent Posts

Breaking News

‘Rest in paradise, Pambansang Oppa’

“Pabagalin muna natin ang ikot ng mundo. Pahintuin mga kamay ng oras sa relo.”

Nagluksa ang mga fan nang bumungad sa kanilang umaga na sumakabilang-buhay na ang Pinoy vlogger na si Emman Nimedez.

Kinumpirma ng nobyang si Peachy Santos na pumanaw ang 27-anyos na YouTube star kaninang madaling araw, Agosto 16.

Matatandaang isinapubliko ni Nimedez na nilalabanan niya ang sakit na acute myeloid leukemia o kanser sa dugo.

Sa Twitterverse, binahagi muli ng madla ang kanta ni Emman na “Teka Lang.”

May iba namang nag-alay ng photo at video tribute sa tinagurian nilang “Pambansang Oppa.”

 



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/rest-in-paradise-pambansang-oppa/)

Walang komento