Recent Posts

Breaking News

Regional VP: PhilHealth execom tunay na mafia

Tinuro ng isang PhilHealth regional vice president na ang executive committee umano ng state insurance agency ang tunay na mafia na sangkot sa talamak na korapsyon sa ahensya.

“In the previous Senate hearings, Board member Alejandro Cabading and Atty. [Thorrsson Montes] Keith categorically stated that the execom is operating as a mafia. I support their allegations,” ayon kay Philhealth VP Dennis Adre sa Senate probe tungkol sa PhilHealth.

Aniya, nagtatakipan lang umano ang mga miyembro ng Execom para madepensahan sa mga anomalya sa ahensya, kabilang na ang kuwestiyonableng pag-release ng bilyong pondo sa Interim Reimbursement Mechanism (IRM) kahit pa wala itong guideline.

“In the past weeks we have witnessed defensive justification and connivance of execom to cover up the anomalies that we have uncovered,” saad pa ni Adre.

Personal ding tinukoy ni Adre si Philhealth senior vice president Rodolfo del Rosario na nagsisinungaling umano sa mga pagdinig ng Kongreso at Senado.

Pinalagan din nito ang pagtuturo sa kanila bilang mafia sa PhilHealth, at sa katunayan ay sila umano ang naglalabas ng mga iregularidad sa ahensya.

“If we are to be called mafia for questioning fraud policies and illegal orders or exposing irregularities, then so be it but we are the good mafia and they are the real and bad mafia,” lahad ng regional VP.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/regional-vp-philhealth-execom-tunay-na-mafia/)

Walang komento