Recent Posts

Breaking News

Recto: Janitor, sekyu sa public hospital bigyan ng hazard pay

Dapat bigyan ng national government ng extra pay o hazard pay ang mga janitor, security guard at miyembro ng maintenance team sa mga pampublikong ospital sa bansa.

Ito ang panawagan ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto dahil hindi aniya sila entitled sa hazard at hardship pay tulad ng ibinibigay sa mga medical staff sa mga pampublikong ospital dahil sila ay kabilang sa private service providers.

“They are unheralded, but they’re important cogs that keep hospitals running,” sabi ni Recto sa isang statement.

“Sanitation workers, housekeepers, janitors, security guards, equipment and building maintenance staff who work for private companies under contract with public hospitals are frontliners, too. Without them, a hospital will collapse,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng kanilang napakahalagang papel, karamihan sa mga manggagawang ito ay tumatanggap lang na katiting na suweldo.

“In the war against COVID-19, they report to their battle stations everyday with the smallest of compensations,” ani Recto.

Hinikayat nito ang DOH, DBM at dalawang kapulungan ng Kongreso na gumawa na isang package kung paano madadagdagan ang kanilang suweldo.

Pero mapapabilis aniya ito kung mag-iisyu si Pangulong Duterte ng order para sa pagbibigay ng benepisyo para sa kanila.

“A cross subsidy is allowed under the law.”And why should we not, when we’ve given tens of billions of ayuda to people who are just staying in their homes,” ani Recto.

“Government is readying billions to bail out companies. Habang itong mga hospital workers na ito, na nagbubuwis ng buhay, wala man lang tayong maiabot,” sambit pa nito.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/recto-janitor-sekyu-sa-public-hospital-bigyan-ng-hazard-pay/)

Walang komento