Recent Posts

Breaking News

Quezon City Day! DFA-CO sa Robinsons Novaliches walang pasok

Inabisuhan ng Department of of Foreign Affairs (DFA) ang publiko na suspindido ang mga transaksyon sa kanilang consular office sa Novaliches sa Miyerkoles, August 19, para bigyang-daan ang Quezon City Day.

Base sa public advisory na inilabas nitong Sabado, August 15, ipinabatid ng DFA-Office of Consular Affairs ang pagsuspindi sa operasyon ng kanilang consular office sa NCR-North (Robinsons Novaliches) bilang bahagi ng paggunita sa Quezon City Day alinsunod sa Republic Act No. 6741.

Magbabalik naman agad kinabukasan, araw ng Huwebes (August 20) ang operasyon ng consular office nito sa Robinsons Novaliches.

Pinayuhan ang mga aplikante na mayroong emergency o agarang pangangailangan para sa consular service na maaaring mag-email sa ncrnovaliches.so@dfa.gov.ph.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/quezon-city-day-dfa-co-sa-robinsons-novaliches-walang-pasok/)

Walang komento