Recent Posts

Breaking News

Puganteng ex-Ilocos mayor, 17 iba pa sumuko sa PNP

Sumuko na kamakailan sa mga awtoridad ang isang pugante na dating alkalde sa isang bayan sa Ilocos Sur at 17 iba pang akusado na dawit sa kasong serious illegal detention.

Personal na nag tungo sa Police Regional Office 1 sa San Fernando, La Union noong Agosto 14 si dating Cabugao, Ilocos Sur Mayor Josh Edward Cobangbang at higit sa isang dosenang mga tauhan nitong sangkot sa umano’y ilegal na pag kulong sa mga may-ari at kawani ng Cabugao Beach Resort.

Unang nagtago sa mga kinauukulan si Cobangbang at ang iba pang mga akusa matapos magpalabas ng arrest warrant Regional Trial Court (RTC) Branch 12 na naka base sa bayan ng Sanchez Mira, Cagayan noong October 2019.

Nauna ng inirekomenda ng piskalya ang pormal na pagsasampa ng serious illegal detention at grave coercion case sa dating alkalde sa ilalim ng Criminal Cases No. 4206-S-(19) at 4207-S-(19)—filed na isinampa ni Ginang Virginia Nicole Savellano-Ong, may-ari ng nasabing beach resort.

Nag-ugat ang kaso sa ilegal na pagkakasara ng Cabugao Beach Resort na pag-aari ni Ong matapos itong ipakandado ng dating alkalde sa mga tauhan ng munispyo ang nasabing resort kahit nasa loob pa ang mga kawani nito, kabilang na din ang batang anak ni Ong.

Giniit ng Department of Justice na may sapat na basehan upang kasuhan si Cobangbang dahil hindi saklaw ng dati niyang kapangyarihan ng ordinansa ng nasabing bayan ang pagpapasara o pagkulong sa loob ng mga empleyedo ng Cabugao Beach.

Tanging ang akusado lamang na si Conrado Segui ang naunang sumuko matapos magpalabas ng arrest warrant ang korte.

Hinala ni Ong, may mga maipluwensyang personalidad ang kumupkop kay Cobanbang sa 10 buwan nitong pagtatago sa publiko.

“Why surrender after ten months of hiding? May kumopkop ba sa kanila?” giit ni Ong.

“Ano ba ang ginawa ng mga awtoridad, ng pulis, sa loob ng sampung buwan mula ng naglabas ng warrant ang korte laban sa kanila?” dagdag pa ng ginang.

Si Ong, kasama ang apat na taong gulang niyang anak at higit sa isang dosenang mga tauhan ng resort ay nakulong sa loob ng nasabing establisimyento matapos itong ipa-kandado ni Cobangbang.

Nauna ng sumuko noong Agosto 5 sila Kartina Cruz Soriano, 33; Raquel Somera Ancheta, 51; Ednalyn Sabaten Silario, 46; Jessar Rei Sababa Cruz, 24; Constancia Lazo Quinola, 62; Humprey Savellano Catriz, 39; Jerly Oda Manantan Flores,24; Benny Sardeng Agbayani, 26.

Samantala, ang mga akusado namang sila Kevin Segui Somera, 34; Austin Giorgio Soller Serna, 25; Alvin Silario Solis, 30; Ronillo Somera Santiago, 51; Renato Sabugo Roman, 57; Rexor Moisis Cruz Abara, 26; and Richard Siruno Pula, 48 ay nagsi-suko naman noon Agosto 7.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/puganteng-ex-ilocos-mayor-17-iba-pa-sumuko-sa-pnp/)

Walang komento