Recent Posts

Breaking News

Puerto Galera tatanggap na ng turista

Matapos ang pagsasara simula Marso, pwede na muling bisitahin ng madla ang Puerto Galera sa Oriental Mindoro sa ilang kondisyon.

Ayon kay Mayor Rocky Ilagan, limitado sa domestic traveler ang papapasukin sa nasabing tourist spot. Bawal ang mga galing abroad.

Sa isang executive order, ni-require ng alkalde ang mga turista na magpakita ng patunay ng recent test kung saan nagnegatibo sila sa COVID-19.

Dapat din silang magpakita ng “point-to-point” travel mula sa pinanggalingang lugar hanggang sa accommodation.

Bawal din silang sumakay sa public transport; dapat ay hotel-provided vehicle ang sasakyan nila para bisitahin ang mga site at beach doon.

Epektibo pa rin ang alcohol ban at ang curfew hanggang alas-diyes ng gabi, ayon naman sa isang business owner sa naturang resort town.

Samantala, may “dry run” naman para sa reopening ang El Nido sa Palawan.

Batay sa Department of Health, as of August 15, ang Oriental Mindoro ang may pinakamataas na bilang ng mga active COVID-19 case sa Mimaropa region sa 85.

Pumangalawa naman ang Palawan sa 32 aktibong kaso.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/puerto-galera-tatanggap-na-ng-turista/)

Walang komento