Recent Posts

Breaking News

Posibleng 3M na ang sapul ng COVID sa PH – study

Halos tatlong milyong Pilipino o 2.6 porsiyento ng kabuuang populasyon na ng bansa ang maaaring tinamaan ng COVID-19 pero undetected o hindi alam ng madla, batay sa isang pag-aaral mula sa Ateneo de Manila University.

Hangad ng research, na inakda ni Jan Fredrick Cruz at nilabas noong Martes ng Ateneo’s Department of Economics, na tantiyahin kung ilan na ang tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas na hindi na-detect at naiulat.

Lumabas sa pag-aaral na “96-99% of COVID19 cases in the ASEAN-5 were undetected during April-June 2020.”

“Roughly three million Filipinos (2.6% of the national population) may have been infected by the virus in the same period—the worst record in the ASEAN-5 group in percentage terms,” dagdag pa ni Cruz.

Ibig sabihin, batay sa kanyang computation, mula Abril hanggang Hunyo, posibleng 2,812,891 na ang mga COVID-19 case sa Pilipinas–pero 34,354 o 1.22 percent lang ang na-detect at naiulat.

Lumabas din sa pag-aaral na kahit mas maraming estimated case ang Indonesia, kung isaalang-alang ang populasyon size ay ang Pilipinas ang “worst performer among the ASEAN-5 in controlling the spread of COVID-19.”

Nanggaling ang “crude estimates” ni Cruz ng “true” COVID-19 prevalence sa adjusted case fatality ratios at iniulat na kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, Indonesia, Malaysia at Thailand.

“Singapore figures are utilized as baseline in the computations because of [its] widespread testing strategy,” dagdag pa niya.

Dahil sa mga lumabas na datos, nirekomenda ng pag-aaral na ibuhos ng gobyernong Duterte ang buong atensiyon nito sa COVID-19 mass testing at hindi lang community quarantine.

“The mere extension of the lockdown without complementary mass testing is impractical,” wika ni Cruz.

“Once the quarantine is lifted, undetected COVID19-positive persons will simply resuscitate viral transmission, voiding any previous progress,” aniya pa.

Wala na rin umanong ibang dapat ipatupad na policy direction ang bansa, ayon sa pag-aaral, bukod sa mungkahi ng World Health Organization na “test, trace” at “isolate” para maiwasan ang “long-term health and economic distress.”

Nagsasagawa man ng iba’t ibang testing para sa coronavirus sa bansa, ayaw itong bansagan ng Palasyo na “mass testing” ngunit “expanded targeted” testing lang.

Kaya naman, marami pang requirement bago sumailalim sa swab testing ang pasyente, at hindi ito libre.

Batay sa datos ng Department of Health kahapon, 173,774 pa lang ang naiulat na nahawa sa coronavirus sa bansa.

2,795 naman ang pumanaw at 113,481 ang gumaling mula sa virus.

 

The post Posibleng 3M na ang sapul ng COVID sa PH - study first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/posibleng-3m-na-ang-sapul-ng-covid-sa-ph-study/)

Walang komento