Recent Posts

Breaking News

Porzingis out vs Clippers, Doncic bubuhatin Mavericks

Kailangan ng halimaw na laro mula kay Luka Doncic para maitawid ang Dallas Mavericks sa susunod na round.

Ito’y matapos na kumpirmahin ng koponan na hindi na makapaglalaro sa kanilang serye laban sa LA Clippers ang isa pa nilang star player na si Kristaps Porzingis.

Ayon sa pahayag ng Dallas, nagtamo ng meniscus tear sa kanang tuhod ni Porzingis sa Game 1 ng NBA Playoffs.

“Kristaps Porzingis has been receiving treatment for a lateral meniscus tear of his right knee, and further treatment options are being explored at this time,” saad ng Mavericks.

“Porzingis has not been medically cleared to play for the remainder of the Mavericks’ first-round series and will not be available,” lahad pa.

Sa nagdaang huling dalawang laro ay hindi na sumalang ang Latvian big man, kung saan nalugmok ang Mavs sa 3-2 disadvantage.

Nag-average si Kristaps ng 20.4 points at 9.5 rebounds sa kanyang unang season para sa Dallas.

The post Porzingis out vs Clippers, Doncic bubuhatin Mavericks first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/porzingis-out-vs-clippers-doncic-bubuhatin-mavericks/)

Walang komento