Recent Posts

Breaking News

Poe sa DILG: Paigtingin ang contact tracing

Kailangang maging epektibo ang implementasyon ng contract tracing sa pamumuno ng Department of Interior and Local Government (DILG), na may P5-bilyong pondo sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One bill, ayon kay Senadora Grace Poe.

“Importante talaga ang contact tracing at importante sa contact tracing ay siyempre meron kayong kakayanan na gawin ‘yan, na meron kayong mga tauhan na gagawa niyan,” ayon kay Poe, isa sa mga senador sa mga nagtulak pondohan ang natgturang inisyatibo sa ilalim ng Bayanihan 2 bill.

Ayon kay Poe, ang mga local government officials ang mas nakakakilala sa kanilang mga nasasakupan at mas may alam kung paano matutukoy ang mga taong nakasalamuha ng isang virus carrier.

Maari aniyang kunin ng DILG ang mga barangay health workers, mga taong nakakatanggap ng conditional cash transfers, o iyong mga nawalan ng trabaho bilang contact tracers sa komunidad.

“Lahat ‘yan, ang magdedesisyon ay ang DILG kasama ang mga local government. Unang-una, nakapagbigay ka na ng trabaho. Pangalawa, natutunton pa kung sinu-sino ang mga nagkaroon ng COVID-19 para ma-isolate sila at hindi na makahawa,” sabi ni Poe.

Ikinalulungkot ng senador ang mabagal na aksiyon ng Department of Health ukol sa contact tracing kahit pa mayroon itong bilyun-bilyong pondo. Nakatulong aniya sana ito nang malaki sa pagpigil sa pagkalat ng pandemya sa simula.

“Alam naman natin ang naging isyu ng Department of Health. Ang daming mga naging problema. Meron silang P200 bilyon na hindi man lang nila nagagamit o naipapamahagi, tapos ang pera na ginamit pa nila hindi naman napunta sa tamang sitwasyon. So nag-isip kami sinong gagawa ng contact tracing,” ani Poe.

“Maging successful lamang ang tracing kung may tiwala ang mga mamamayan sa ating public health officials, kung magbibigay sila ng tamang impormasyon, at susunod sa mga health protocol sa lahat ng oras,” sambit pa nito.

The post Poe sa DILG: Paigtingin ang contact tracing first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/poe-sa-dilg-paigtingin-ang-contact-tracing/)

Walang komento