Recent Posts

Breaking News

PNP may FB page na para pagsumbungan kontra cyberbullying

Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) chief General Archie Francisco Gamboa sa PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) ang pagpapaigting ng kampanya kontra cyberbullying kung saan ang mga biktima ay mga kabataan sa mga social media flatforms.

Sa consolidated report na ipinasa ng PNP-ACG kay Gamboa, mayroon silang 19 na iniimbestigahang kaso ng cyber bullyng mula Enero 1 hanggang Hunyo 30, 2020 bilang pagpapalakas ng kampanya sa Republic Act 10627 o ang Anti-Bullying Act of 2013 kung saan kinakailangang ang isang elementary at secondary schools ay magkaroon ng polisiya upang maiwasan ang mga pambu-bully sa eskwelahan.

Dahil dito, gumawa ang PNP-ACG at ang kanilang regional units ng opisyal na Facebook page na maaring pagsumbungan o magreklamo sa mga nagaganap na cyberbullying, fake news proliferation, online scams, online photo and video voyeurism, at iba pa.

“Aside from our frontliner operations against Covid-19 pandemic, we also intensified our cyber patrol operations and monitoring system against cybercrimes on social media and other interactive websites,” pahayag ni Gamboa sa kanyang inilabas na statement ngayong Linggo.

“Under the measure, cyberbullying is defined as a form of bullying done through the use of technology or any electronic means. PNP-ACG noted that cyberbullying complaints are expected to increase as victims become aware of how to report it by means of new reporting system through social media, phone numbers, and emails,” saad pa ni Gamboa.

“With the surge of technological advancements, cybercrimes became one of the most prevalent modus nowadays. Oftentimes, cyberbullying is used by unscrupulous individuals to prey on the youth.” dagdag pa nito.
Hinihimok din ng opisyal ang mga magulang na isumbong ang anumang insidente ng cyberbullying dahil malaki ang epekto nito sa pag-iiba ng ugali ng kanilang mga anak.

“Should they confirm that their child has been victimized by a cyberbully or an online scammer, I encourage them to immediately identify the perpetrator and report it to the authorities,” paghihimok ni Gamboa sa mga magulang.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-may-fb-page-na-para-pagsumbungan-kontra-cyberbullying/)

Walang komento