Recent Posts

Breaking News

PNP chief niyaya sa RevGov meeting

Tuloy-tuloy pa rin ang pagsulong ng mga pro-Duterte group sa revolutionary government.

Ayon ‘yan kay Philippine National Police (PNP) chief Archie Gamboa matapos nitong kumpirmahin matapos niyang makatanggap ng imbitasyon para sa meeting para sa RevGov.

“Yes, I have read it in the Viber. It’s supposed to be set yesterday but I am still trying to search for the communication kasi personally hindi pa umabot sa akin,” ayon kay Gamboa nitong Biyernes.

“So, I think, ang nakatanggap is the Directorate for Operations and then anyway tapos na ‘yung supposed to be set na meeting. So titingnan ko kung ano ang magiging action nila kasi nga hindi natuloy ‘yun,” aniya pa.

Matagal nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na balak niyang bumuo ng revolutionary government kapag nakita niyang nagtangka ang kanyang mga kritiko na kontrolin ang bansa.

The post PNP chief niyaya sa RevGov meeting first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pnp-chief-niyaya-sa-revgov-meeting/)

Walang komento