Recent Posts

Breaking News

Piyesta ng OKC tatapusin ni Russ

KAPAG nasa bench si James Harden, hindi makaporma ang Houston sa loob dahil walang Russell Westbrook.

Kita ‘yun sa dalawang talo ng Rockets sa huling dalawang laro sa playoffs kontra Oklahoma City Thunder para ibuhol ang serye sa 2-2.

Absent sa first four games ng series si Westbrook dahil sa quad injury.

Biyernes ay sumali siya sa five-on-five scrimmage at kung wala nang problema ay posibleng bumalik sa resumption ng mga laro ngayong araw.

Mula kay Jonathan Feigen ng Houston Chronicle:

“Mike D’Antoni on Russell Westbrook’s availability tomorrow: ‘He’ll go through practice. If things are normal, I’m sure he’ll be good to go.’ D’Antoni said no decisions yeat on playing time restriction.”

Sa ulat din ni Feigen, nilinaw ni Westbrook na hindi na siya lalaro kung hindi nagkasundo ang players at liga sa mas konkretong tugon sa social justice issues.

Nag-average si Harden ng 32 points sa first two games, bumagal sa huling dalawa.

Sinamantala nina Chris Paul, Dennis Schroder at Shai Gilgeous-Alexander ang pagkakataon para kubrahin ang back-to-back wins.

The post Piyesta ng OKC tatapusin ni Russ first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/piyesta-ng-okc-tatapusin-ni-russ/)

Walang komento