Recent Posts

Breaking News

Pinoy pride? Cebu Gov. binuska ng mga dayuhang netizen

Binatikos maging sa international arena si Cebu Governor Gwendolyn Garcia.

Sa isang “Fuck You Karen” thread sa Reddit, nakalagay ang larawan ni Garcia at ang caption na: “A Philippine Governor doesn’t wear a mask because she has a ‘medical condition’. Wears an air purifier necklace instead.” Kaiba sa mga nakapalibot sa kanya, walang suot na face mask ang public official at nakasuot lang ng air purifier necklace.

Sa US at sa iba pang English-speaking na bansa, mababansagan na “Karen” ang isang babae na nakikitang sobrang entitled.

Sa coronavirus context, ayaw ni “Karen” magsuot ng face mask sa labas ng bahay at ayaw sumunod sa quarantine dahil hindi naman seryosong bagay para sa kanya ang pandemic.

“We’ve made it to an international subreddit. #PinoyPride,” sabi ng isang Reddit user.

“Seems like the Philippines has multiple Trump-like leaders around,” ayon sa isa pa.

“I hate these ‘I have a medical condition’ idiots. We all see straight through your bullshit, there’s no medical condition that prevents you from wearing a mask,” at isa pa.

“It must hurt to be this stupid,” komento pa sa naturang international subreddit thread.

The post Pinoy pride? Cebu Gov. binuska ng mga dayuhang netizen first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinoy-pride-cebu-gov-binuska-ng-mga-dayuhang-netizen16/)

Walang komento