Recent Posts

Breaking News

Pinilit kahit may memo! UST pasaway sa training

Posibleng managot ang University of Santo Tomas (UST) Growling Tigers sa kanilang ginawang training sa Sorsogon sa kabila ng quarantine period.

Ayon kay Games and Amusement Board (GAB) chairman Baham Mitra, ang tanging pinapayagan lang na makapag-ensayo sa ilalim ng kanilang nilabas na Joint Administrative Order (JAO) ay mga professional team, at hindi kasama dito ang collegiate league na UAAP na kinabibilangan ng UST.

Isa si Mitra sa bumuo ng JAO sa pakikipagtulungan sa Department of Health at Philippine Sports Commission.

Ito’y lumutang matapos lumabas ang mga report na nagkaroon ng ensayo ang UST men’s basketball team sa Sorsogon, probinsya kung saan nagmula si coach Aldin Ayo.

Ito rin ang tinuturong dahilan kung bakit tinanggal sa UST ang kanilang dating kapitan na si CJ Cansino, na ninais nang makabalik sa Maynila ngunit ayaw umanong payagan ng koponan.

Lahad pa ni Mitra, na-memohan na umano ang UST team dahil nagsagawa ng ensayo sa Maynila kaya lumipat ang mga ito sa Sorsogon.

Sa ngayon ay kanilang iimbestigahan ang naturang pangyayari sa tulong ng UAAP dahil hindi nila ito sakop bilang non-professional league.

The post Pinilit kahit may memo! UST pasaway sa training first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinilit-kahit-may-memo-ust-pasaway-sa-training/)

Walang komento