Recent Posts

Breaking News

Pingris pasalamat sa kapatid na frontliner

NAGPUGAY si Magnolia Hotshots forward Jean Marc Pingris sa kapatid na frontliner na nagdiwang ng kanyang kaarawan.

Sa kanyang Instagram post na @jeanmarc15, pinasalamatan at sinaluduhan ng beteranong miyembro ng Gilas Pilipinas at ilang beses nagkampeon sa propesyonal na ligang Hotshots ang kapatid na babae.

“Happy b-day sa maganda’ mabait’ masipag’ mataray’ na ate ko @purple0827. Salamat sa pag mamahal mo sa family natin at sa bayan natin,” sabi ni Pingris.

“Salamat sa mga time mo na di ka nakakatulog dahil sa pag babantay ng mga tao sa hospital!!! Love you ate. #fronliners #loveyou #saludo,” sabi ni Pingris.

“I love you ate!! @purple0827 salamat sa pag aalaga at pag mamahal nyo sa mga tao!⚕️ lagi kayo kasama sa pag darasal namin mabuhay kayo mga FRONTLINERS!! sabi mo pa sa akin, grabe 12 hours na ko walang tulog kasi need nila ng kasama!! Uwi kana So pls stay home muna mga kapatid! Para sa atin to!!! salamat ate @purple0827 guy’s!! Pls follow my ate @purple0827 para sumaya na sya,.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pingris-pasalamat-sa-kapatid-na-frontliner/)

Walang komento