Recent Posts

Breaking News

Ping: Mga pro-Duterte wala sa lugar

Hindi na dapat patulan ang pro-Duterte group na nagsusulong ng revolutionary government o RevGov, ayon kay Senador Panfilo Lacson.

“Dapat huwag patulan. Kasi ito siguro, mga nasarapan sa buhay nila dahil ‘di naman sila Presidente kundi tagasuporta,” aniya sa panayam sa DWIZ, Sabado.

“They never had it so good. Gusto nila siguro mag-revolutionary government para wala nang election. Mga sulsol na wala sa lugar. Ang tawag ng mga karpintero riyan, ‘wala sa hulog’,” dagdag niya.

Nagtipon ang nasa 300 katao sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Pampanga para sa manifesto signing na nananawagan ng RevGov at paglipat ng bansa sa pederalismo, habang may 2 taon pa sa termino si Pangulong Rodrigo Duterte.

Magugunitang nagbabala noon ang Pangulo na magdedeklara ng “revolutionary government” at aarestuhin ang kanyang mga kritiko dahil sa patuloy aniyang pagbanat sa kanya sa kabila na marami na siyang pinoproblema sa bansa gaya ng droga at krimen.

Kadalasang nagdedeklara ng RevGov ay mga insurgent group para mapatalsik ang kasalukuyang gobyerno.

The post Ping: Mga pro-Duterte wala sa lugar first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ping-mga-pro-duterte-wala-sa-lugar/)

Walang komento