Recent Posts

Breaking News

Pinay wagi sa ‘The Voice Kids UK’

Isang Pilipina ang tinanghal na grand winner sa “The Voice Kids” sa United Kingdom ngayong taon!

Ito ay si Justine Afante, ang 13-anyos na singer mula sa grupo ni Pixie Lott.

Bukod sa bakasyon sa Orlando, Florida, makakamit din ni Justine ang scholarship para sa kanyang musical education.

Naluha at hindi makapaniwala si Afante na siya nga ang nagwagi sa contest, na first time nagkaroon ng virtual audience dahil sa COVID-19 pandemic.

Bukod kay Justine, may apat pang Pinoy na nakalampas sa Blind Auditions ng The Voice Kids UK, kabilang sina Joshua Regala, 13, at Victoria Alsina, 7.

The post Pinay wagi sa 'The Voice Kids UK' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinay-wagi-sa-the-voice-kids-uk/)

Walang komento