Recent Posts

Breaking News

‘Pinas isa sa ‘pinakamababa’ magpasahod sa 110 bansa

Sa listahan ng halaga ng pasahod ng 110 bansa sa mundo, batay sa isang pag-aaral, pang-95 ang Pilipinas.

Ibig sabihin, ayon sa study ng international e-commerce website picodi.com, kabilang tayo sa mga bansang pinakamababang magpasahod sa mga manggagawa nito.

Nakasaad sa pag-aaral na P15,200 ang average salary ng Pilipinas–kapiranggot lang kumpara sa P296,000 na average salary ng Switzerland, ang nangungunang bansa sa listahan.

Mababa rin ang pasahod ng ating bansa kumpara sa iba pang bansa sa Southeast Asia gaya ng Thailand, Vietnam, at Malaysia.

Ang survey ay ginawa ngayong Agosto 2020, kung saan pinroseso ang mga datos mula sa Numbeo, isang website ng crowd-sourced database.

Ayon naman sa Employers Confederation of the Philippines, mali ang konklusyon ng listahan dahil kulang daw ito sa konteksto: hindi nakapaloob ang iba pang factors gaya ng cost of living, inflation, at availability ng jobs sa partikular na bansa.

The post 'Pinas isa sa 'pinakamababa' magpasahod sa 110 bansa first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-isa-sa-pinakamababa-magpasahod-sa-110-bansa/)

Walang komento