Recent Posts

Breaking News

‘Pinas guguho sa revolutionary government – Gatchalian

Pumalag si Senador Sherwin Gatchalian sa mga grupong nagsusulong ng revolutionary government sa bansa.

Aniya, mula sa health crisis ay mapupunta ang Pilipinas sa economic at political crisis hanggang sa tuluyan nang mag-collapse dahil sa revolutionary government.

Kailangan daw sa ngayon ay pagkakaisa at pagtutulungan dahil sa COVID-19 pandemic at hindi ang pagkakawatak-watak gaya ng hangarin ng mga nagsusulong ng revolutionary government.

“Those groups pushing for a revolutionary government will push the country from a health crisis to an economic & political crisis & towards to the brink of collapse. We need unity & cooperation to fight COVID, not division as these groups are trying to perpetuate,” tweet ng mambabatas.

Nitong Sabado nagsama-sama ang mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Clark Freeport para suportahan ang revolutionary government na pamumunuan umano ng Presidente hanggang matapos ang kanyang termino sa 2022.

The post ‘Pinas guguho sa revolutionary government – Gatchalian first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-guguho-sa-revolutionary-government-gatchalian/)

Walang komento