Recent Posts

Breaking News

Pinas ‘di lang nakatutok sa bakuna sa Russia – DOH

Bukod sa Russia, ayon sa Department of Health ay may 25 pang drugmaker na kausap ang Pilipinas para magkaroon ng bakuna laban sa COVID-19.

Sabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire, patuloy ang pakikipagtalakay ng bansa sa 16 pang drug maker at siyam na iba pa na bahagi ng COVID-19 Vaccines Global Access facility.

Ito, kahit nakipagkita na ang Department of Science and Technology noong Miyerkoles sa mga kinatawan ng Gamaleya Research Institute of Epidemiology and Microbiology, ang nag-develop ng “Sputnik V”–ang pinakaunang bakuna laban sa coronavirus na dinebelop ng Russia.

Bukod dito, sasali rin ang ‘Pinas sa Solidarity Trial on Vaccines ng World Health Organization na magsisimula sa Oktubre.

“All of these are being explored. Our government is now exploring every opportunity where we can join in clinical trials,” sabi ni Vergeire.

“We are not very specific with the Russian vaccine. We are looking at and mapping [every candidate vaccine] worldwide that can benefit our countrymen,” aniya pa.

Dagdag ng kalihim, titiyakin ng mga Pinoy expert na ang bakuna ay ligtas para sa mga Pilipino.

“We must understand that some vaccines have different effects [on] different ethnic groups. That is evidence-based. This is why our vaccine experts want it tested in our local setting to ascertain that it’s really safe, based on our ethnicity,” dagdag niya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/pinas-di-lang-nakatutok-sa-bakuna-sa-russia-doh/)

Walang komento