Recent Posts

Breaking News

PHIVOLCS: Mayon, Bulusan, Taal, Kanlaon matagal na alert level 1

Sa gitna ng mga pangamba hinggil sa kalagayan ng mga bulkan sa bansa ay naglabas ng paglilinaw ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) para na rin sa kaalaman ng publiko.

“Matagal na po ang mga umiiral na alert level sa mga sumusunod na bulkan,” ayon sa PHIVOLCS.
Nasa alert level 1 na umano ang Bulkang Mayon sa lalawigan ng Albay mula pa noong July 17, 2020.

Inilagay din sa alert level 1 ang Bulkang Bulusan sa Sorsogon mula pa noong July 6, 2020 gayundin ang Bulkang Taal sa Batangas mula pa noong March 19, 2020.

Ganundin, alert level 1 ang Bulkang Kanlaon sa Negros Island simula pa noong March 11, 2020.

Tiniyak ng PHIVOLCS na patuloy ang kanilang pagbabantay sa mga aktibong bulkan sa bansa 24 oras sa loob ng pitong araw kada linggo.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/phivolcs-mayon-bulusan-taal-kanlaon-matagal-na-alert-level-1/)

Walang komento