Recent Posts

Breaking News

PHIVOLCS: 6 lindol naitala sa Taal Volcano

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng anim na lindol sa kanilang pagmomonitor sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

“Weak to moderate steaming or fumarolic activity rising 20 meters high before drifting southeast was observed from vents on the main crater,” ayon sa PHIVOLCS Taal Volcano Bulletin alas-otso ng umaga ngayong Miyerkoles, Agosto 19.

Nananatili pa rin sa alert level 1 (abnormal) ang kalagayan ng Bulkang Taal, ayon sa PHIVOLCS.

Mahigpit din ipinaalala ng PHIVOLCS na ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa permanent danger zone ng Bulkang Taal, partikular malapit sa main crater nito.

“Local government units are advised to continuously assess previously evacuated barangays around Taal Lake for damages and road accessibilities and to strengthen preparedness, contingency, and communication measures in case of renewed unrest,” ayon pa sa PHIVOLCS.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/phivolcs-6-lindol-naitala-sa-taal-volcano/)

Walang komento