Recent Posts

Breaking News

PhilHealth una sa mga ahensiyang iniimbestigahan ng PACC

Ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang nangunguna sa listahan ng mga ahensiyang iniimbestigahan mg Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) dahil sa isyu ng korapsiyon.

Sinabi ni PACC Commissioner Greco Belgica na naungusan ng PhilHealth ang mga ahensiyang dati ay madalas na nasa kanilang listahan gaya ng Bureau of Customs (BOC), Bureau of Internal Revenue (BIR), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Taon-taon aniyang iniimbestigahan ang PhilHealth dahil sa mga anomalya , pero ito ang unang pagkakataon na nasa top list ang PhilHealth ng mga ahensiyang matindi ang korapsiyon.

Sinabi ni Belgica na bumuo pa ang gobyerno ng task force para imbestigahan ang PhilHealth na ibig sabihin lamang ay seryoso ang problema sa katiwalian sa ahensiya.

“We ar happy na every year iniimbestigahan ang PhilHealth pero it is the first time na naging ganito ang resulta,” ani Belgica.

Sinabi ng Commissioner na malapit ng matapos ng task force ang kanilang imbestigasyon at inaasahang maaaksiyonan kaagad ang mga magiging rekomendasyon laban sa PhilHealth officials na matutuklasang sangkot sa pagsasamantala sa pondo ng ahensiya.

Kumpiyansa si Belgica na pagkatapos ng imbestigasyon ay magkakaroon ng pag-asang umayos ang kalagayannat sistema ng PhilHealth.

“Almost finished na kami, mga two weeks na lang at mabubuo na ng task force ang rekomendasyon laban sa mga tiwaling PhilHealth officials,” dagdag ni Belgica.

The post PhilHealth una sa mga ahensiyang iniimbestigahan ng PACC first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/philhealth-una-sa-mga-ahensiyang-iniimbestigahan-ng-pacc/)

Walang komento