Recent Posts

Breaking News

PhilHealth SVP Del Rosario nag-resign na

Umalis na sa puwesto si Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) senior vice president for the legal sector Rodolfo del Rosario Jr.

Nilahad niya sa kanyang Facebook post na naghain siya ng irrevocable resignation na epektibo mula Agosto 24, 2020.

Hindi na kasi aniya niya makaya ang character assasination at pambabatikos sa kanya habang nakatutok ang madla sa pagsisiyasat sa umano’y katiwalian sa PhilHealth.

Naaapektuhan na rin aniya ang kanyang kalusugan.

“The past days has been so grueling and stressful. The character assassination, trial by publicity, and relentless persecution has left me in so much agony. My six-month suspension was too much to bear,” ani Del Rosario.

Masakit umano para sa kanya ang pagbibitiw, gayong 22 taon siyang nagsakripisyo para sa mga programa ng state-run insurance agency.

“As I cannot afford to be unemployed for the next six months and understanding that the Corporation would need an SVP (Senior Vice President) Legal in these trying times, I have tendered my irrevocable resignation effective August 24, 2020. This was a painful decision,” dagdag niya.

Kabilang si Del Rosario sa mga PhilHealth official na pinatawan ng Ombudsman ng 6-month preventive suspension habang iniimbestigahan ng mga politiko ang sinasabing malawakang katiwalian sa ahensiya.

The post PhilHealth SVP Del Rosario nag-resign na first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/philhealth-svp-del-rosario-nag-resign-na/)

Walang komento