Recent Posts

Breaking News

PhilHealth chief Morales: Binalewala privacy ko!

Matapos ilantad sa publiko ang kanyang pinagdaraanang sakit, aminado si Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) CEO at President Ricardo Morales na siya’y dismayado dahil tila hindi umano nirerespeto ang kanyang privacy.

“As President and Chief Executive, it is my duty to represent the corporation while still physically capable. I regret that my privacy was not respected,” ayon sa pahayag ni Morales.

Ayon sa PhilHealth, hindi umiiwas sa imbestigasyon ng Senado si Morales sa umano’y korapsyon sa state insurer, at nagpaalam na kung pwede na via online na lang siya dadalo sa mga Senate hearing.

“PhilHealth President and CEO Brig. Gen. Ricardo C. Morales submitted his medical certificate, as required, to request Senate to allow his online instead of his physical presence,” lahad ng PhilHealth.

Nitong Sabado ay lumabas ang medical certificate ni Morales kung saan pinapakita na na-diagnose ito ng lymphoma at inabisuhan ng kanyang oncologist na mag-leave of absence para sa chemotherapy ng PhilHealth executive.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/philhealth-chief-morales-binalewala-privacy-ko/)

Walang komento