Recent Posts

Breaking News

PH COVID case papalo sa 375K sa dulo ng Setyembre – mga UP expert

Aakyat umano hanggang 375,000 ang mga kaso ng coronavirus disease 2019 sa Pilipinas pagdating ng Setyembre 30, ayon sa pinakabagong projection ng grupo ng mga eksperto mula sa University of the Philippines (UP).

Sa kanilang August 27 forecast report, sinabi ng UP-OCTA research team na ang tantya nilang kabuuang dami ng virus case ay 330,000 para sa “lower” estimate, 350,000 para sa “median” estimate, at 375,000 para sa “upper” estimate.

Pareho anilang bumaba, sa pagtatapos ng Agosto, ang reproduction number ng COVID-19 at ang bilang ng mga bagong kaso sa bansa kada araw.

Tinutukoy ng reproduction number ang average na bilang ng tao na pwedeng mahawa mula sa isang COVID-positive.

1.03 anila ang reproduction number mula Agosto 20 hanggang 26. Ang ideyal na reproduction number, ayon sa mga eksperto, ay less than one–na nangangahulugan anilang “the disease will decline and eventually die out.”

Bumaba rin anila ang hospital bed at ICU occupancy rates sa Metro Manila pero may 9 lungsod pa na kritikal ang lagay.

Samantala, tinantiya ng UP-OCTA research team na magkakaroon ng mula 180,000 hanggang 210,000 kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa katapusan ng Setyembre.

As of August 27, nasa 205,581 na ang mga kumpirmadong kaso ng virus sa Pilipinas. Kabilang dito ang 133,990 gumaling at 3,234 yumao.

The post PH COVID case papalo sa 375K sa dulo ng Setyembre – mga UP expert first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/ph-covid-case-papalo-sa-375k-sa-dulo-ng-setyembre-mga-up-expert/)

Walang komento