Recent Posts

Breaking News

Permanenteng evacuation center sa bawat lungsod, sinulong ni Gatchalian

Dahil madalas umanong makaranas ang bansa ng mga sakuna, kailangan nang magkaroon ng permanenteng evacuation center sa bawat barangay at munisipalidad, ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

Aniya, sa kabila na maaaring magamit ang mga eskuwelahan bilang evacuation center, nakasaad sa batas na pinapayagan lang ito bilang huling opsyon at sa maiksing panahon lamang.

Dagdag niya, ang pagkakaroon ng evacuation center sa bawat barangay ay makatutulong upang maiwasan ang paggamit sa mga silid-aralan at masigurong mas mabilis makakabalik ang mga mag-aaral pagkatapos ng isang sakuna.

Dahil doon, naghain siya ng Senate Bill No. 747 o “Evacuation Center Act” para masiguro na may magagamit agad na evacuation center.

“Dahil madalas nakakaranas ang ating bansa ng mga sakuna kung saan kailangan nating ilikas ang mga naapektuhang mamamayan, kailangang pagsikapan din nating magkaroon ng permanenteng evacuation center ang bawat lungsod at munisipalidad sa bansa,” giit niya.

“Hindi lamang nito patatatagin ang kakayahan ng ating mga lokal na pamahalaan na rumesponde sa mga sakuna, makatutulong din ito upang maiwasan natin ang paggamit sa mga silid-aralan at masiguro nating mas mabilis makakabalik ang ating mga mag-aaral pagkatapos ng isang sakuna,” dagdag ni Gatchalian, na chairperson ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture.

The post Permanenteng evacuation center sa bawat lungsod, sinulong ni Gatchalian first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/permanenteng-evacuation-center-sa-bawat-lungsod-sinulong-ni-gatchalian/)

Walang komento