Recent Posts

Breaking News

Payaos kinumpiska ng China, DFA nagprotesta

Naghain ng diplomatic protest sa China ang Department of Foreign Affairs dahil sa “iligal na kumpiskasyon” ng payaos ng mga mangingisdang Pinoy sa Zambales.

Sabi ng DFA, hinain nila ang protesta nitong Agosto 20 para sa insidente na naganap tatlong buwan na ang nakalilipas, o noong Mayo.

“The Department lodged today a diplomatic protest to China over the illegal confiscation by the Chinese Coast Guard of fish aggregating devices (payaos) of Filipino fishermen in Bajo de Masinloc in May,” sabi ng ahensiya.

“The Philippines also resolutely objected to China’s continuing illicit issuances of radio challenges [to] Philippine aircraft conducting legitimate regular maritime patrols in the West Philippine Sea,” dagdag nito.

Kabilang ang Bajo de Masinloc (tinatawag ding Scarborough Shoal o Panatag Shoal) sa mga teritoryong inaangkin ng China.

Pagmamay-ari ito ng Pilipinas sa West Philippine Sea.

The post Payaos kinumpiska ng China, DFA nagprotesta first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/payaos-kinumpiska-ng-china-dfa-nagprotesta/)

Walang komento