Recent Posts

Breaking News

Paul masaya na sa silip ng misis

Ngayong malayo sa kanilang mga pamilya, espesyal umano para kay Oklahoma City Thunders guard Chris Paul ang pagsulyap nito sa kanyang asawa at anak sa virtual fans screen ng NBA.

Sa naganap na laban ng Thunders kontra Utah Jazz 110-94 nitong Linggo (Manila time), pinangunahan ni Paul ang kanyang koponan na nagtala ng 18 points at tig-pitong rebounds at assist. Sumaklolo si Shai Gilgeous-Alexander ng 19 pts.

“I saw my wife there towards the end of the game, didn’t see little Chris, but I knew he was going to be on there,” sambit ng 35-year-old veteran playmaker.

“A lot of guys here are away from their families, so just to get a glimpse to see them, even though I didn’t pay attention to them at all until the game was about to end because I’m locked into the game, but in the fourth quarter when I looked up there and I saw my wife, it was pretty special.” namutawi pa kay Paul.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/paul-masaya-na-sa-silip-ng-misis/)

Walang komento