Recent Posts

Breaking News

Patay sa pananalasa ng Hurricane Laura sa US, umakyat sa 14

Tumaas sa 14 ang kumpirmadong patay sa Amerika matapos bayuhin ni Hurricane Laura ang mga southern state.

Nagmula ang sampung biktima sa Louisiana habang apat sa Texas, ayon sa ulat ng CNN.

Nagdulot ng malalang pinsala ang taglay nitong malakas na hangin na hanggang 150mph kung saan mahigit kalahating milyong kabahayan ang nawalan ng kuryente at nagpasiklab ng isang chemical fire mula sa isang industrial plant.

Agad humingi ng financial assistance si Louisiana Governor John Bel Edwards sa federal government para makabangon sa pinsala.

Samantala, bibisitahin ni President Donald Trump ang dalawang state sa Sabado para personal na makisimpatiya sa mga taong apektado ng hurricane.

Sa ngayon ay binaba na sa tropical storm ang status ni “Laura” pero malakas na ulan pa rin ang nararanasan sa ilang US state.

The post Patay sa pananalasa ng Hurricane Laura sa US, umakyat sa 14 first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patay-sa-pananalasa-ng-hurricane-laura-sa-us-umakyat-sa-14/)

Walang komento