Recent Posts

Breaking News

Patay sa COVID sa Mexico, 46K na

Eksaktong 46,000 ang dami ng mga pasyente sa Mexico na ginupo ng coronavirus disease 2019.

Samantala, ayon pa sa Johns Hopkins Center for Systems Science and Engineering dashboard, 416,179 ang nahawa habang 320,100 ang gumaling doon mula sa COVID-19.

Ang Mexico ang pang-anim sa may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng virus sa 188 lugar sa daigdig na nilalabanan ang naturang pandemya.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/patay-sa-covid-sa-mexico-46k-na/)

Walang komento