Recent Posts

Breaking News

‘Para makatotohanan ang mga work policy, private sector palahukin sa IATF’

Sabi ng pinakamalaking business group sa Pilipinas, mukhang wala pang mabuting plano ang gobyernong Duterte para maisalba ang ekonomiya ng bansa mula sa hagupit ng coronavirus pandemic.

Kaya naman nanawagan na ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) na maging parte sila ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases.

Bukod sa anila’y mga hindi makatotohanang workplace protocol ng gobyerno, nababahala rin ang grupo sa limitadong mass transport, inconsistent na pagpapatupad at patakaran, mahinang consumer confidence, at isyu sa cash flow at liquidity.

Sakaling maging bahagi ng IATF, makikinabang umano ang gobyerno sa on-the-ground experience ng business sector.

“We are appealing for the inclusion of the private sector in the IATF. The IATF will be able to use the on-the- ground experience of the business sector to come up with a holistic approach that will make it easier for businesses to resume operation and for workers to return to work,” sabi ni PCCI President Benedicto Yujuico sa isang pahayag, Huwebes.

“We acknowledge the hard work the IATF is doing to prevent the spread of COVID-19. We understand the precarious situation of our medical workers and frontliners. But we also need to stress that the longer our economy stays in its current state where businesses cannot function 100 percent, nor even up to 75 percent, the more protracted the recession that will follow and the more people will be permanently out of jobs,” aniya pa.

Sa pahayag, tinutulak ng PCCI ang buong pagbabalik-operasyon ng mga economic activity sa bansa dahil kung hindi anila, mas matagal na mananatili sa recession ang ating ekonomiya.

Sa first half ng 2020 ay pumasok na ang bansa sa recession–dalawang magkasunod na quarter na negatibo ang gross domestic product (GDP) growth–ang pinakaunang beses sa halos 30 dekada. Sinabi ng Philippine Statistics Authority na bumagsak ang GDP ng bansa nang 16.5% mula Abril hanggang Hunyo.

Ito na ang pinakamalubhang economic performance ng bansa mula sa available na government record noong 1981.

The post 'Para makatotohanan ang mga work policy, private sector palahukin sa IATF' first appeared on Abante TNT Breaking News.



Source: Abante (https://tnt.abante.com.ph/para-makatotohanan-ang-mga-work-policy-private-sector-palahukin-sa-iatf/)

Walang komento